
Pinalalawak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggamit ng solar-powered irrigation systems upang matulungan ang mga magsasaka na makapaghanda sa inaasahang Super El Niño.
Layunin nitong matiyak ang sapat na suplay ng tubig sa mga palayan kahit makaranas ng matinding tagtuyot.
Kabilang dito ang solar irrigation project sa Kananga, Leyte na sasaklaw sa 115 ektaryang palayan, habang 70 ektarya naman ang mapapakinabangan sa kaparehong proyekto sa Ormoc City.
Ayon sa Pangulo, makatitipid ang mga magsasaka ng hanggang P20,000 sa gastos sa diesel dahil solar energy ang gagamitin sa pagpapatakbo ng mga bomba ng tubig.
Inaasahan ding madaragdagan ang taniman mula dalawa tungo sa tatlong beses kada taon dahil sa mas maaasahang suplay ng tubig, na maaaring magpataas sa ani at kita ng mga magsasaka.










