*Cauayan City, Isabela*- Nagkaloob ng tulong pinansyal ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ilang pampublikong ospital sa Lambak ng Cagayan.
Ito ang kinumpirma ni PCSO Branch Manager Heherson Pambid ng Cagayan sa panayam ng Philippine Information Agency (PIA-Region 2) matapos ngang lagdaan ang kasunduan sa pagitan ng PCSO at mga benepisyaryong ospital .
Ayon kay Ginoong Pambid, ito ay upang patuloy na matugunan ang ilang pangangailangan ng mga ospital gaya ng pagbili ng mga testing kits, Personal Protective Equipment o PPEs, medical at diagnostic equipments at iba pa sa kabila ng banta ng corona virus o covid-19 sa bansa.
Kabilang sa mga pinagkalooban ang Cagayan Valley Medical Center na umabot sa tatlumpung milyong piso (P30,000,0000.00)
Tinanggap din ng Regional Trauma Medical Center sa Nueva Vizcaya ang P2.5 Million pesos, Nueva Vizcaya Provincial Government na P1 million pesos.
Kabilang din ang Southern Isabela Medical Center na tumanggap ng P2.5 million pesos at Provincial Government ng Apayao na P1 million pesos.
Samantala, namigay din ng 5 patient transport vehicle ang PCSO sa Bayan ng Sta. Ana, Lasam, Sta. Teresita, Pamplona at Gonzaga sa Probinsya ng Cagayan.
Dagdag pa ng opisyal na ito ay bahagi ng 447 million pesos na tulong na kanilang ipinamahagi matapos maisabatas ang ‘Bayanihan to heal as One Act’