PDEA at BJMP Region 2, Hinalughog ang Kulungan sa Ilagan

Ilagan City, Isabela –Hinalughog ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng Ilagan City, BJMP Region 2, at PDEA ang District Jail ng BJMP Ilagan City.

Ang naturang operasyon ay mismong nasaksihan ng RMN News sa kanyang pagsama sa ginawang Oplan Greyhound.

Sa ginawang panayam kay J/Insp Jose Bangug Jr, warden ng nasabing piitan, kanyang ipinahayag na ito ay ginawa alinsunod sa kautusan ng Pangulong Duterte na linisin ang lahat ng piitan sa ipinagbabawal na gamot at iba pang mga kontrabando.


Pasado alas nuebe ng umaga kahapon, Disyembre 7, 2017 ay sabay sabay na pinasok ng mga awtoridad ang apat na selda ng BJMP District Jail sa Ilagan upang tignan kung may mga kontrabandong itinatago sa nasabing piitan.

Makalipas ang ilang oras na pag galugad ay naging negatibo ang naturang piitan sa anumang ipinagbabawal na bagay o kagamitan.

Ayon kay Insp Bangug, ito ay pangalawang pagkakataon ng isinagawa kasama ang ibat ibat ahensya bukod sa kanilang sariling oplan linis piitan na isinasagawa ng kanilang hanay linggo linggo.

Naging saksi sa nasabing pagkalugad ang mga barangay officials at media.

Sa naging mensahe ng hepe ng piitan hinikayat nito ang mga bilanggo na iwasan na ang masasamang gawain at mamuhay ng tahimik.

Bagamat negatibo sa anumang klase ng kontrabando ang nasbing piitan at patuloy pa rin umano ang mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng BJMP Ilagan sa mga dumadalaw upang di makalusot ang mga nagbabalak magpuslit ng droga sa nasabing kulungan.

Pagkatapos ng paghalughog sa Ilagan ay nagtungo naman ang PDEA sa Cauayan para sa kaparehong operasyon.


Facebook Comments