Nilinaw ng Dangerous Drugs Board (DDB) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na walang direktang implikasyon sa kanilang drug control policies and actions ang ginawang pag-reclassify ng United Nations Commission on Narcotic Drugs bilang less dangerous drugs.
Sa isang Joint statement, sinabi ng DDB at PDEA na itinuturing pa rin nilang dangerous drugs ang cannabis o marijuana at mananatili ang kanilang pagreregulate dito sa domestic level.
Mahigpit pa ring ipatutupad ang Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o ang pagbabawal sa importation, pagbebenta o pag-iingat, pagtatanim ng cannabis.
Bagama’t kinikilala ng UN-CND ang potential therapeutic o medicinal value ng cannabis, kinakailangan nitong pumasa sa regulatory control requirements ng PDEA, Food and Drug Administration at ibang government agencies.
Mahalagang may control measures at regulations sa medical use ng cannabis para matiyak na ligtas ito sa pasyente at maiiwasan ang paggamit nito sa recreational purposes.
Dagdag pa ng DDB at PDEA, hindi dapat magbigay ng maling mensahe ang reclassification ng UN-CND partikular sa publiko o kabataan na safe at legal na ang recreational use ng marijuna.