Nagsagawa ng surpresang drug test ang PDEA Region 1 at LTO Region 1 sa mga pampasaherong terminal sa Mayombo District, Dagupan City bilang bahagi ng pinaigting na seguridad ngayong Semana Santa.
Target ng operasyon ang mga bus driver, konduktor, at iba pang PUV drivers upang matiyak na ligtas ang mga biyahero sa kanilang pag-uwi sa probinsya.
Aabot sa 90 indibidwal ang isinailalim sa pagsusuri at lahat ay nag negatibo sa paggamit ng ilegal na droga.
Kasabay nito, nag-ikot din ang K9 units ng PDEA sa mga terminal at bagahe ng pasahero, ngunit wala ring natukoy na ipinagbabawal na substansya.
Ayon sa mga awtoridad, mahalaga ang mga ganitong sorpresang inspeksyon upang maiwasan ang aksidente at masiguro ang kaligtasan ng publiko sa kasagsagan ng biyahe ngayong Semana Santa.
Inaasahang magpapatuloy pa ang ganitong mga operasyon sa mga susunod na araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









