PDEA, nanindigan na walang pagmamaltrato na nangyayari sa pagsagip sa 14 menor de edad sa Navotas

Manila, Philippines – Nanindigan ang Philippine Drug Enforcement Agency na walang pagmamaltrato o puwersahang nangyari sa ginawang pagsagip sa pagpwersang nangyari sa labing apat na menor de edad sa drug raid sa navotas.

Sa isang kalatas, iginiit ni PDEA Director General Aaron Aquino na kita sa actual surveillance video na ginagamit bilang drug runner, pusher o bantay sa drug den ang mga menor de edad na nasagip sa navotas.

Naimpormahan naman aniya nila ang menor de edad kung bakit sila inialagay sa kustodiya ng pulisya.


Ayon kay Aquino, agad na ibinigay ang pangangailangan ng mga kabataan pagdating sa headquarters ng PDEA.

Sumailalim din sa counselling at tinurn over sa bahay pag-asa ng navotas kung saan dinadala ang mga menor de edad na nasasangkot sa krimen.

Magiging beneficiary aniya ang mga menor de edad sa project sagip batang solvent ng PDEA na ilulunsad sa susunod na buwan na may layong ilayo ang mga kabataan sa droga.

Facebook Comments