PDEA, nilinaw na wala sa kanilang listahan ang pangalan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

Nilinaw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa watch list nila si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. taliwas sa naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na kahapon ay inihayag ng dating Pangulong Duterte na noong panahon na alkalde siya ng Davao ay may ipinakitang ebidensiya ang PDEA kung saan kasama sa drug watchlist si Pangulong Marcos Jr.

Sa inilbas na statement ng PDEA, naupo bilang Mayor ng Davao si dating Pangulong Duterte mula 1988 hanggang 1998; 2001 hanggang 2010 at 2013 hanggang 2016 pero ang nasabing ahensiya ay na-activate lamang noong 2002.


Paliwanag pa ng PDEA, matapos nito ay agad na itinaguyod ang National Drug Information System (NDIS) kung saan nakalista dito ang lahat ng pangalan ng drug personalities at iba pang impormasyon at mga hakbang mula sa ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ang nasabing sistema ay kasalukuyan pa rin ginagamit ng PDEA at muli nilang iginiggit na wala sa listahan ang pangalan ni Pangulong Marcos Jr.

Dagdag pa ng PDEA, mula nang maupo bilang presidente si Duterte ay nagkaroon itong ng tinatawag na narco-list at matapos ang isinagawang validation naging Inter-Agency Drug Information Database (IDID) na ito pero wala pa rin dito ang pangalan ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook Comments