Pinasalamatan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang National Telecommunications Commission (NTC) sa paglalabas ng direktibang ipagbawal ang kantang “Amatz” ng Pinoy rapper na si Shanti Dope na i-ere sa telebisyon at radyo sa buong bansa.
Naging usap-usapan ang kanta dahil sa “double meaning” na mga lyrics nito na tila hinihikayat ang mga kabataan na gumamit ng marijuana.
Ayon sa NTC – dapat ipatupad ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang kautusang nagbabawal sa pagsasahimpapawid ng mga ganitong uri ng kanta sa ilalim na rin ng Broadcast Code of the Philippines.
Bago ito, nagpadala na rin ng sulat nag PDEA sa MTRCB, organisasyon ng Pilipinong mang-aawit at ABS-CBN para ipagbawal ang kanta.
Ang MTRCB ay nagsasagawa na ng mandatory meetings hinggil dito.