PDEA, tuloy lang sa paglaban kontra iligal na droga

Manila, Philippines – Hindi na kailangan ng PDEA na iapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na sa ibalik sa kanila ang pangunguna sa war on drugs.

Ayon kay Derrick Carreon, spokesperson ng PDEA, wala silang ganitong apela at wala rin silang opisyal na statement ukol dito.

Ito ay sa dahil kailanman ay hindi inalis sa kanila ang paghawak sa giyera sa iligal na droga.


Sa ngayon, malinaw ang papel ng PDEA at PNP.

Habang kulang pa ang mga PDEA agents, tututukan muna ng PNP ang mga nasa street level na drug personalities, habang tungkulin naman ng PDEA na habulin ang mga high value targets.

Sa ngayon, kasalukuyan nang sumasailalim sa pagsasanay ang mga bagong recruits ng PDEA na isasabak sa pinaigting na giyera laban sa droga.

Facebook Comments