Sa isinagawang Roadshow Activity ng Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC sa lalawigan ng Pangasinan, nanawagan ang mga ito sa mga depositor at mga may-ari ng accounts na may pagkaka-utang sa mga saradong bangko na kanilang hawak at makipagtulungan sa ahensya sa pamamagitan ng pagbayad ng kanilang mga ini-loan.
Sa ngayon, mula buwan ng Disyembre, nasa dalawamput apat o 24 na mga bangko sa rehiyon uno ang sarado na at labing anim o 16 sa mga ito ay mula sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa labing anim na mga saradong bangko na ito sa lalawigan, nasa higit dalawampu’t isang libo o 21,021 ang mga bilang ng mga borrowers na may outstanding principal na higit dalawang bilyong piso o 2,152,754,401.63.
Kaya naman humingi na rin ng panawagan ang PDIC na magcomply ang mga borrowers at may-ari ng mga account sa mga saradong bangko nang sa gayon ay maayos na ang mga dapat nilang bayaran na utang at makumpleto na rin ang mga kinikwenta nilang liabilities at assets na kailangan para sa bidding na kanilang isinasagawa.
Kamakailan lamang ay ipinasara ng Bangko sentral ng Pilipinas ang Bangko Pangasinan na isa sa mga malalaking bangko sa lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments