PDL na Top 1 Most Wanted, Muling Sinilbihan ng Warrant of Arrest!

103

Cauayan City, Isabela- Muling sinilbihan ng mga otoridad ang Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng San Guillermo, Isabela na kasalukuyang nakapiit sa BJMP Santiago City dahil sa kasong panggagahasa.

Kinilala ang akusado na si Diomer Clave, 32 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Rizal, San Guillermo, Isabela.

Sa pangunguna ni P/Maj Mariano Marayag, hepe ng PNP San Guillermo ay muling sinilbihan ng mandamiento de aresto si Clave na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Second Judicial Region, Branch 40, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse and Discrimination Act.

Makakalaya lamang pansamantala ang akusado kung makakapaglagak ng piyansang P200,000.00.

Facebook Comments