PDP Laban, pipili ng isang pambato sa house speakership

Tatlong miyembro ng PDP laban ang lumulutang para maging house speaker na kinabibilangan nina former Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, Pampanga Rep. Aurelio Gonzales at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.

 

Pero ayon kay PDP Laban Party President Senator Koko Pimentel, pipili lang sila ng isa sa mga ito at yan ay iaanunsyo ni Senator Manny Paquiao.

 

Ito ang napagkasunduan sa pulong ng pdp laban kagabi sa bahay ni Senator Pacquiao.


 

Diin ni Pimentel, mahalaga na sa kanila magmula ang house speaker dahil ang PDP laban ang pinakamalaking grupo sa kamara na mayroong 94 na miyembro bukod pa sa kanilang mga kaalyansa.

 

Tiniyak ni Pimentel, na ang kanilang magiging manok sa house speakership ay may kakayahang magtrabaho ng mahusay kasama ang mga miyembro ng Kamara at mga senador.

 

Dagdag pa ni Pimentel, kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang kongreso na kanyang maaasahan sa pagsusulong ng kinakailangang reporma para sa ikabubuti ng buhay ng mga Pilipino.

Facebook Comments