Naniniwala ang Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa posibilidad sa pagtakbo pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkabise-presidente sa 2022 Election.
Kasunod ito ng nalalapit na pagbaba sa pwesto ni Pangulong Duterte kung saan hindi pa umano nito tiyak ang pagtakbo bilang mataas na opisyal ng bansa.
Ayon kay Melvin Matibag, Secretary-General ng PDP-Laban, tanging ang sinabi lang ng pangulo ay pagpipigil nito sa kaniyang desisyon, pero hindi nito sinabi na tinatanggihan na nito ang alok.
Nabatid na una nang nagpatibay ng resolusyon ang PDP-Laban National Council nitong Lunes na humihimok kay Pangulong Duterte na muling tumakbo sa Eleksyon 2022.
Nilalaman ng resolusyon na mismong ang pangulo na ang pipili ng magiging running mate nito para sa 2022 polls.