PDRRMO Batanes, Naghahanda na rin sa Posibleng Epekto ng Bagyong Fabian

Cauayan City, Isabela­- Nakahanda na rin ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Batanes sa posibleng epekto ng Bagyong Fabian sa lalawigan.

Sa pagtaya ng PAGASA, nasa 705 km east northeast ng Itbayat, Batanes ang lokasyon ng bagyo at may lakas ng hangin na 150 km/h sa gitna at may pagbugsong aabot sa 185 km/h at nasa 960 hectopascals.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PDRRM Officer Roldan Esdicul, bagama’t nakakaranas ng panaka-nakang ulan ay hindi pa naman ito direktang nararamdaman ang epekto ng bagyo sa buong lalawigan batay sa kanilang ginawang monitoring habang maulap na kalangitan ang sitwasyon ngayon.


Naka-preposition na rin ang lahat ng mga kagamitan ng MDRRMO para kaagad na makatugon sa anumang insidente.

Tiniyak naman ng provincial government na mayroong sapat na suplay ng pagkain para ipamahagi sa mga residenteng posibleng maapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments