PDRRMO, walang naitalang pinsala sa bagyong chedeng

Walang naitalang pinsala at casualties sa Malita Davao Occidental matapos dumaan si bagyong chedeng o naglandfall kahapon.

Ito ay base sa report ng Davao Occidental Provicincial Disaster Risk Reduction Management Office.

Ayon kay Emma Lopez sa Davao Occidental PDRRMO na nasa limang daang pamilya ang nagsilikas pero aniya unti-unti ng bumabalik ang mag pamilya sa kanilang mga bahay.


Dagdag pa nito, nananatiling alerto ang Davao Occidental PDRRMO kahit na sa ibang lugar sa Davao Region dahil base sa weather update ng dost pag-asa ngayong araw, makakaranas ng pag ulan dahil sa easterlies.

Facebook Comments