Peace and Order sa City of Ilagan, Maigting na Tinututukan ng PNP Ilagan City!

*Ilagan City, Isabela-* Abala ngayon ang PNP Ilagan City sa kanilang mga isinasagawang operasyon kontra kriminalidad sa kanilang nasasakupan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Superintendent Rafael Pagalilauan, ang hepe ng PNP Ilagan City na maigting ngayon ang kanilang kampanya kontra iligal na droga at pagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan ng kanilang Lungsod.

Ayon pa kay Police Superintendent Pagalilauan, bukod sa kanilang isinasagawang kampanya kontra iligal na droga ay hindi rin umano nila pinapabayaan ang paghuli sa mga nagpupuslit ng mga iligal na kahoy.


Patuloy rin umano ang kanilang isinasagawang symposium sa mga paaralan upang mabigyan ng kaalaman at mapaalalahanan ang mga mag-aaral hinggil sa mga kriminalidad.

Malaki naman ang kanyang pasasalamat sa mga opisyal sa naturang Lungsod dahil sa kanilang ibinibigay na suporta at pakikiisa sa kanilang mga isinasagawang programa para sa maayos at mapayapang Lungsod.

Facebook Comments