Peace and Order Situation sa Bayan ng Luna, Mahigpit na Binabantayan ng PNP!

Luna Isabela- Masayang Ibinahagi ng PNP Luna na ang kanilang bayan ay isang mapayapa at may mamamayang masunurin sa batas lalo na sa ipinatutupad ng kapulisan na OPLAN Tambay.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni SPO3 Robin Apaga, ang Police Community Relation Officer ng PNP luna sa naging talakayan sa RMN Cauayan kahapon, Agosto 4, 2018.

Aniya, ay malinis at mapayapa umano ang bayan ng Luna batay sa kanilang ginagawang pagpapatrolya gabi-gabi dahil sa wala umanong mga taong nakatambay sa mga lansangan pagsapit na ng alas nuwebe ng gabi.


Ayon pa kay SPO3 Apaga ay noong una umano ay madaming mga nahuhuling nakatambay sa mga lansangan at karamihan sa mga ito ay mga kabataan kung kaya’t hindi umano sila tumitigil na pagsabihan at kausapin ang mga opisyal sa mga barangay upang paalalahanan ang kanilang mga kababayan na bawal na ang tumatambay sa mga lansangan sa dis oras ng gabi.

Ikinatuwa naman ito ng PNP Luna dahil sa ngayo ay sumusunod naman na umano ang mga residente sa kanilang bayan kaya’t lalo pa umano nilang pinaiigting ngayon ang kanilang ginagawang pagbabantay o pagpapatrolya upang matiyak na mapayapa ang nasasakupan nilang bayan.

Samantala, puspusan din umano sila sa pagsasagawa ng Drug Symposium sa mga paaralan sa kanilang bayan upang gabayan at paalalahanan ang mga kabataan sa sa bayan ng luna tungkol sa hindi magandang epekto ng ipinagbabawal na droga.

Panawagan naman ni SPO3 Apaga ay maaari umanong makipagtulunag ang kanilang mga kababayan kung may napapansin silang mga kahinahinala sa upang masugpo ang paglaganap ng droga at kriminalidad sa kanilang nasasakupan at upang mapanatili ang kapayapaan.

Facebook Comments