SAWI | Retiradong pulis na kasama sa drug watchlist ni PRRD, patay matapos tambangan sa Maynila

Manila, Philippines – Patay na ng dalhin sa Ospital ng Maynila ang retiradong pulis matapos na tambangan ng riding in tandem sa San Andres Street Malate Manila.

Nakilala ang biktima na si Retired P/Supt. Robert Palisoc dating nakatalaga sa NCRPO

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Carlo Manuel, tinambangan si Retired Supt. Palisoc na dating nakatalaga sa Station 7 MPD na nakasama sa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte at bago inilipat sa NCRPO kaninang alas-9:32 sa kanto ng Linao Street at San Andres Street Malate Manila ng Riding in Tandem nadala pa sa pagamutan ang police official pero binawian din ng buhay.


Inaalam ngayon ng mga otoridad kung mayroon CCTV camera sa lugar at motibo ng pananambang kung ito ba ay may kinalaman sa dati nitong trabaho bilang Police Official.

Facebook Comments