PEACE TALKS | CPP Founder Jose Maria Sison, magulong kausap – Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na tila magulong kausap si Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison.

Ayon kay Duterte, committed ang gobyerno ang ituloy ang usapang pangkapayapaan sa rebeldeng komunista pero tila ‘sala sa init, sala sa lamig’ si Sison.

Tanong ng Pangulo, ano nga ba ang gusto ni Sison? Gusto nitong umuwi pero ayaw din nitong umuwi ng Pilipinas.


Nanindigan din ang Pangulo na sa Pilipinas dapat gawin ang peace talks at tiniyak din nito kay Sison ang proteksyon sakaling tuloy ang pag-uwi nito sa bansa.

Muli ring sinabi ng Pangulo na nagtakda siya ng 60-day window period para sa magkabilang panig na lumagda ng peace agreement sa bansa.

Kapag pumalpak ang peace talks, ihahatid niya si Sison sa airport at sasabihing huwag ang bumalik ng bansa kahit kailan.

Kapag nagtagumpay naman aniya ito ay dapat lang na ipagdiwang ang kalayaan ang demokrasya.

Facebook Comments