Itinanggi ng Makabayan sa Kamara na tapos na ang negosasyon sa pagitan ng gobyerno ang rebeldeng komunista. Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, Vice Chairman Ng House Committee on Peace, Reconciliation and Unity, mayroong protocol at modalities na kailangang sundin bago opisyal na putulin ang negosasyon. Kasama na dito ang 30 day notice sa kabilang panig para sa termination ng peace talks. Optimistiko naman ang kongresista na hindi tuluyang madidiskaril ang negosasyon at malaki pa din ang posibilidad na maibalik ito sa negotiating table. Iginiit ng mambabatas ang nakatakdang pulong sa February 22 sa The Netherlands para sa posibilidad ng pagbuo ng kasunduan sa bilateral peace talks, ituloy ang pulong ng reciprocal committee on socio-economic reforms, political reforms at disposition of forces.
Peace Talks, Hindi Pa Tapos- Makabayan
Facebook Comments