Manila, Philippines – Wala nang plano pa si Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-usap sa mga rebelde matapos ang naging pahayag ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria “Joma” Sison na patalsikin na siya sa pwesto.
Ayon kay Duterte, away na daw niyang kausapan si Sison lalo na at sa una pa lamang daw ay nais na nito na paalisin siya sa pwesto at pabagsakin ang gobyerno.
Dagdag pa ng Pangulo na halos limampung taon nang nakikipaglaban sa pamahalaan si Sison kung saan muli siyang magsisimulang magbilang ng taon sa pakikibaka.
Matatandaan na naglabas ng pagkadismaya si Sison matapos na kanselahin ng mga opisyal ni Duterte ang peace talks noong katapusan ng buwan ng Hunyo dahil nais pa daw itong idaan sa public consultation.