Manila, Philippines – Hindi pa masagot ni Peace Process Adviser Secretary Jesus Dureza kung may pag-asa pa bang matuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines New People’s Army National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Ito ay sa harap na rin ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto ang Peace Talks sa rebeldeng grupo dahil sag mga pag-atakeng ginawa nito sa puwersa ng pamahalaan sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Dureza, sa ngayon ay nananatili parin ang desisyon ni Pangulong Duterte na itigil ang pakikipagusap sa mga rebelde pero hindi naman nito masabi kung maaari pang matuloy ang pag-uusap.
Sinabi kasi ni Dureza na hanggang sa ngayon ay umiiral parin ang Joint Agreement o Safety and Immunity Guarantees o JASIG na nagbibigay ng immunity sa mga pinalayang miyembro ng rebeldeng grupo.
Paliwanag ni Dureza, hindi pa nakapagbibigay ang gobyerno ng notice of termination sa third party facilitator na siya namang magpapawalang bisa sa JASIG kaya umiiral parin ito kahit mayroon nang rekomendasyon ang Solicitor General na arestuhin ang mga pinalayang miyembro ng rebeldeng grupo.
Hindi narin naman aniya kailangan pa ng Notice of Termination para sa kanselasyoon ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF.
Peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF, kanselado pa rin
Facebook Comments