PEACEFUL | Araneta Bus Terminal, mapayapa at maayos

21

Manila, Philippine – Pangkalahatang maayos at mapayapa ang sitwasyon Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City batay sa assessment ni PNP Chief Oscar Albayalde.

Aniya, mas mababa ang bilang ng pasahero ngayon kumpara noong nakaraang Undas dahil ang ilan sa mga pasahero ay pinalipas muna ang bagyong Rosita bago bumiyahe.

Walang naitatalang untoward incidents sa terminal maliban isang lalaking nakuhanan ng mga bala ng baril nang mag ikot si NCRPO chief Guillermo Eleazar.

Nasa QCPD Station 7 na ang pasahero at iniimbestigahan.

Sa mga bus driver, wala pa namang naitalang mga violations.

Ayon kay Albayalde, Mananatili ang full alert status ng PNP hanggang sa Lunes.

Facebook Comments