2018 BAR EXAM | Mahigit 8,000 law graduates, sasailalim sa Bar Exam mula sa Linggo

88

Manila, Philippines – 8,701 na law graduates ang kukuha ng 2018 Bar Examination na masisimula sa Linggo, Nov 4.

Isasagawa ang Bar Exam sa apat na Linggo ng Nobyembre o sa November 4, 11, 18 at 25 sa University of Santo Tomas.

Ayon sa Korte Suprema, ito na ang pinakamataas na bilang ng bar candidates kumpara sa mga nakalipas na taon.

Ayon kay Deputy Clerk of Court at Bar Confidant, Atty. Maria Cristina Layusa ,sampung bus na maaring sakyan ng mga kukuha ng pagsusulit sakaling umulan.

Mula alas-4:30 ng madaling araw maghihintay ang dalawang bus sa Quezon Memorial Circle malapit sa Philippine Coconut Authority; isang bus mula sa Park and Ride, Lawton, Manila; dalawa mula sa Supreme Court New Building Compound, Taft Avenue; dalawa rin ang magmumula sa Greenbelt at Glorietta sa Ayala Center, Makati; at isa mula sa Marikina Sports Complex

Aalis ang mga bus dakong alas singko ng madaling araw patungo ng UST sa Espanya boulevard.

Pagkatapos ng bawat examination day ay may mga bus ding inihanda pabalik sa mga nabanggit na lugar.

Facebook Comments