Manila, Philippines – Palalakasin pa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kampanya nito sa pederalismo kasabay ng pagbubukas ng 18th Congress sa susunod na buwan.
Naniniwala ang DILG na hindi na mangyayari ang pagsusulong ng federal system sa sandaling matapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Ayon sa DILG, kakulangan ng kaalaman at pag-unawa ng maraming Pilipino ang kulang sa ngayon.
Sinabi naman ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, naging makakatotohanan lamang ang Pangulo at nauunawaan na ang pederalismo ay isang malalim na pagbabago.
Binibigyang-diin lamang nito ang pangangailangan sa pagpapalaganap pa ng impormasyon upang makakuha pa ng mas malawak na suporta sa publiko.
Ngunit hindi ito nangangahulugan na inaabandona na ang kanyang adbokasiya.
Base sa pag-aaral ng DILG, marami nang Pinoy ang nakakaunawa sa pederalismo at sumusuporta.
Tinapos na rin ng Inter-Agency Task Force on the Federalism and Constitutional Reform sa ilalim ng liderato ni Secretary Año ang pagrepaso sa 1987 Constitution at palalakasin na ang information campaign ukol dito ng higit na maunawaan ng publiko.