Pederalismo, Suportado ng Cordillera People’s Liberation Army (CPLA)

*Cauayan City, Isabela-* Malaki ang suporta ng Cordillera People’s Liberation Army o CPLA sa isinusulong na Pederalismo ng Pangulong Duterte dito sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Mailed Molina, ang Chairman ng Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) at tagapagtaguyod ng Cordillera Autonomy na malaki ang kanilang suporta sa Pederalismo kung saan magiging daan umano ito tungo sa pagbabago ng ating bansa.

Naniniwala rin si ginoong Molina na kung susuportahan ng taumbayan ang Pederalismo ay maaari umanong mabago ang Sistema sa pulitika kung saan talamak na ang mga pulitikong namimili ng boto sa mga botante.


Dahil dito ay kung magiging Federal state umano ang bansang Pilipinas ay mabibigyan ng pagkakataon na mabago ang mga Sistemang hindi maganda dito sa ating bansa na dapat ng ayusin.

Samantala, kasabay sa Pederalismong isinusulong ng Pangulo ay umaasa rin si ginoong Molina na maaprubahan ang kanilang matagal nang hinaing sa gobyerno na buhayin ang mga Cordillera bodies na nagtataguyod para sa pagkamit sa makatotohanang Awtonomiya ng Cordillera Administrative Region (CAR).

Facebook Comments