Pekeng DepEd Supervisor nangikil sa mga miyembro ng isang Religious Group sa Pozorrubio Pangasinan, arestado

Dinala ng isang Pastor ang isang lalaking nagpanggap na DepEd Survivor at nanghihingi ng pera sa miyembro ng Engrafted People of the Lord’s International Church sa himpilan ng PNP Pozorrubio.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, dumadalo umano sa worship service ang suspek na si Allan Martinez, 32 anyos at residente ng Lingayen Pangasinan at nagpakilalang DepEd Supervisor at nangakong tutulungan ang kamag-anak ng tatlong miyembro ng religious group na makapagturo sa pampublikong paaralan.
Nakakuha na ng halagang 9, 800 ang suspek sa mga biktima.
Sa ngayon ,kinasuhan na ng estafa ang suspek at nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol dito.

Facebook Comments