Dinala sa CSI Stadia sa Dagupan City ngayong Setyembre 14 ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng Handog ng Pangulo, Serbisyong Malapit at Sapat Para sa Lahat Caravan.
Layunin ng aktibidad na mailapit sa mga Dagupeño ang mga serbisyo, tulong, at oportunidad mula sa iba’t ibang national government agencies sa iisang lugar.
Kabilang sa mga serbisyong available ang ₱20 kada kilo na BBM Rice, job fair, TUPAD payout, libreng NBI Clearance para sa unang 200 aplikante, YAKAP at medical services, TESDA scholarships, livelihood opportunities, at pagproseso ng government documents at clearances.
May mga serbisyo rin para sa mga magsasaka, mangingisda, OFWs at job seekers.
Dumalo sa aktibidad sina DAR Secretary Conrado Estrella III, DAR Field Operations Office Undersecretary Atty. Kazel Celeste, at iba pang opisyal ng lokal at pambansang pamahalaan.
Kasama rin sa caravan ang mga kinatawan mula sa DOLE, OWWA, DOH, DICT, NIA, CHED, TESDA, NBI at iba pang government agencies.
Pinangunahan din ng mga lokal na opisyal ng Dagupan City at mga barangay ang pakikibahagi sa aktibidad na naglalayong gawing mas accessible sa mga Dagupeño ang mga serbisyo at oportunidad ng pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












