Kinumpirma ni Atty. Rowena Flores, abogado ni homicide convicted US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na nag-iwan ito ng thank you and apology letter bago lumipad papuntang Amerika.
Batay sa sulat ni Pemberton, sinabi nito na pinagsisihan niya ang kanyang nagawa noong October 11, 2014 at nagpaabot din ito ng simpatya sa pamilya Laude sa idinulot nitong pasakit sa kasalanan kaniyang ginawa.
Kasabay nito, nagpaabot din siya ng pasasalamat kay Pangulong Ridrigo Duterte sa pagkakaloob nito ng absolute pardon dahilan para maagang mapalaya ito sa pagkakakulong ng anim hanggang sampung taon.
Kaning alas-9:14 ng umaga, umalis na ng bansa si Pemberto ayon sa Bureau of Immigration.
Si Pemberton ay nahatulan guilty noong 2015 sa pagpatay sa isang transgender woman noong 2014.