People’s Initiative, tinawag na “Pera para sa Pirma” ni Sen. Marcos; mga senador, hindi naman tutol sa Cha-cha

Tinawag ni Senator Imee Marcos na “Pera para sa Pirma” ang signature campaign sa People’s Initiative para sa Charter change (Cha-cha).

Paglilinaw ni Sen. Marcos, ang mga senador ay hindi naman tutol sa pagbabago ng economic provision dahil sila rin ay naniniwalang overdue na ang Cha-cha.

Iginiit din niya na hindi tutol ang mga senador sa People’s Initiative pero dapat ito ay gagawin sa tamang pamamaraan.


Sinabi ni Sen. Marcos na sa People’s Initiative na ginagawa ngayon ay nililinlang ang taumbayan na may kinalaman sa ayuda kapalit ng lagda at hindi ito tama.

Naniniwala ang senadora na ang People’s Initiative na ito ay nakatadhanang bumagsak dahil sa lantad at talamak na suhulan at panloloko gamit ang pondo na pera ng taumbayan.

Tumaas din ang kilay ng senadora sa panukalang botohan sa People’s Initiative kung saan “voting jointly” ang isinusulong at aniya’y hindi naman nila gustong pumapel ngunit dapat ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay sabay-sabay na makikitungo at boboto.

Hindi papayag ang senadora na mawawalan ng poder ang Senado sa “voting jointly” dahil ano nga naman ang laban nila na sila ay 24 lang sa Senado gayong mahigit 300 ang mga kongresista sa Kamara.

Facebook Comments