NEDA: Girian ng Senado at Kamara dahil sa Cha-cha, hindi makatutulong sa ekonomiya ng bansa

Iginiit ng National Economic and Development Authority (NEDA) na hindi makatutulong sa ekonomiya ng bansa ang girian ng Senado at Kongreso dahil sa Charter change (Cha-cha).

Sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na isa ang state of uncertainty o kawalan ng katiyakan sa pamumuhunan mapalokal man o dayuhan.

Kaugnay nito ay umaasa aniya si Balisacan na magkakasundo na ang mga senador at kongresista at magkaroon na ang mga ito ng iisang posisyon hinggil sa Cha-cha.


Matatandaang nakansela ang LEDAC meeting dahil sa girian sa pagitan ng Senado at Kamara dahil sa pilit na pagsusulong ng People’s Initiative ng mga kongresista, na tinututulan naman ng mga senador.

Facebook Comments