Adams, Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang katimugang Ilocos Norte.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang pagyanig alas-3:05 ng hapon.

Naitala ang sentro ng lindol 17 kms ng South West ng Adams, Ilocos Norte at may lalim 8kms.


Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Naramdaman ang intensity sa mga sumusunod:

Intensity V- Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, at Paoay, Ilocos Norte

Intensity IV- Sinait, at Cabugao, Ilocos Sur

 

Instrumental Intensities:

Intensity VI- Pasuquin, Ilocos Norte

Intensity IV- Laoag City, Ilocos Norte

Intensity II- Vigan City, Ilocos Sur

Intensity I- Gonzaga, Cagayan; Aringay, La Union

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks.

Facebook Comments