Walang tigil pa rin sa pagpapaabot ng ibat ibang serbisyo sa publiko ang Peoples Medical Team ng Maguindanao Government.
Ngayong buwan halos naikot na ng Peoples Medical Team ang lahat ng bayan ng lalawigan para lamang maibaba sa mga residente ang basic services ng pamahalaan ayon pa sa impormasyong nakuha mula kay Lynette Estandarte, ang syang Head ng PMT.
Tampok sa pag iikot ng mga ito ang pagbibigay ng medical services na kinabibilangan ng libreng check up, pamamahagi ng gamot, bunot ng ngipin, operation tuli maliban pa sa pamamahagi ng school bags sa mga mag aaral, tsinelas, feeding program, tree planting at school rehabilitation.
Samantala agad ring namahagi ng tulong ang Peoples Medical Team sa mga bayang naapektuhan ng baha kamakailan.
Naging katuwang ng Maguindanao Province sa kanilang inisyatiba ang 6th Infatry Division.
Ang pagpapaabot ng basic services sa mga residente ng lalawigan ay base na rin sa direktiba ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu, dagdag ni Estandarte.(DENNIS ARCON)