“Pepper X” – susubukang masungkit ang world’s hottest pepper title ng Guinness

South Carolina – Para sa mga mahilig sa maanghang, inilabas na ng isang pepper company sa Fort Mill, South Carolina ang posibleng ituring ngayon na pinakamaanghang na sili sa buong mundo!

Tinawag itong “Pepper X” na gawa ni Smokin’ Ed Currie na siya ring nasa likod ng Carolina pepper.

Ang Carolina pepper ang kasalukuyang record holder ng world’s hottest pepper ng Guinness.


Ayon kay De Currie, dalawang beses na mas maanghang ang Pepper X kumpara sa Carolina pepper.

At sa sobrang anghang, talagang pagsisisihan mo raw na tinikman mo ito sa una pa lang.

Sa November, inaasahang ilalabas ng Guinness ang kanilang desisyon kung masusungkit ng Pepper X ang titulo.

Facebook Comments