Winwyn Marquez – miss na miss na raw ang shobiz

Manila, Philippines – Namimiss na raw ni Winwyn Marquez ang showbiz.

Ito ang inamin ng aktres sa gitna ng preparasyon niya sa kanyang pagsabak bilang kauna-unahang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Reina Hispanoamericana.

Pero say ni Winwyn, priority muna niya sa ngayon ang pagiging beauty queen na una na niyang pangarap bago pa man siya sumabak sa showbiz.


Samantala, bukod sa pagkakaroon ng magandang katawan, abala rin si Winwyn sa pag-aaral ng Spanish language.

Gaganapin ang coronation night ng Miss Reina Hispanoamericana sa Bolivia sa Nobyembre.

Facebook Comments