Performance ng NTF-ELCAC, hindi nakasalalay sa dami ng spokesperson

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na wala sa dami ng spokespersons ang performance ng ahensya tulad ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Paliwanag ni Hontiveros, pagdating sa budget, ay simple lang, kapag pangit ang performance ng kailangang magpaliwanag ng ahensya kung bakit hindi ito dapat babawasan ng pondo.

Ayon kay Hontiveros, darating at darating ang pagkakataon para pag-aralan kung karapat-dapat ang NTF-ELCAC sa budget nito.


Ngayong may mga dagdag pang mga tagapagsalita, ay inaasahan ni Hontiveros na may makakasagot kahit isa sa mga tanong kung kailan matatapos ang projects na pinondohan ng NTF-ELCAC at kung kailan mailalabas ang natitira pang pera para sa ibang lugar.

Giit ni Hontiveros, kailangang may maipakitang resulta ang NTF-ELCAC.

Facebook Comments