Sa ating panayam kay Mr. Almus J. Alabe – Senior Assistant Vice President for Customer Relations Services of Shopping Center Management Corporation ng SM, maganda at maayos ang nakitang performance ng mga security forces ng SM Cauayan at Tuguegarao batay na rin sa feedback ng Inspecting team mula sa SM Tarlac at Cabanatuan.
Nakamit naman aniya ng SM Cauayan at Tuguegarao ang standards ng Mall subalit mayroon lamang mga kailangang dapat iimprove ng mga security guards gaya ng kahandaan sa mga emergency cases at pagresponde sa mga sakuna at kalamidad.
Tiniyak naman ng pamunuan ng SM ang kaligtasan ng bawat mallgoers o customers lalo na’t niluwagan na ang mga restrictions ngayong panahon ng pandemya.
Mensahe ni Alabe sa mga guwardiya ng Mall na mahalin at pagbutihin ang trabaho at ibigay ang 100 percent na dedikasyon sa pagtatrabaho.
Samantala, sa mensahe naman ni PLTCol Sherwin Cuntapay, hepe ng PNP Cauayan City bilang guest of honor and speaker, pinuri at pinasalamatan nito ang mga security personnel ng SM City Cauayan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Lungsod pangunahin na ang safety ng mga mall goers.
Kaugnay nito ay hiniling ni Cuntapay ang suporta ng Mall sa pagpapatupad sa EO no. 70 o NTF-ELCAC upang sa ganon ay mailayo ang mga Cauayeño at iba pang mallgoers sa kamay ng mga makakaliwang grupo.
Inihalimbawa ng Hepe ang brgy. Villa Flor na kanila pang binabantayan at binubuhusan ng mga proyekto dahil nagsilbi na rin itong taguan ng mga rebelde at ngayo’y malinis na mula sa presensya ng mga NPA dahil sa whole of nation approach.