PESO Valenzuela, magsasagawa ng face-to-face job fair ngayong araw

93

Mag-apply na sa kauna-unahang face-to-face job fair ngayong taon ng Valenzuela Public Employment Services Office (PESO) at pamahalaang lungsod ng Valenzuela.

Magsadya lamang sa event hall ng Alert Multi-Purpose Building mamayang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon dahil libo-libong trabaho ang alok ng halos 50 kompanyang kalahok dito.

Kaya huwag kalimutang magdala ng higit pa sa limang resume, ballpen at sariling alcohol.


Paalaala pa sa mga aplikante na ugaliing sumunod sa IATF protocol gaya ng pagsusuot ng facemask at pagpapanatili ng social distancing.

Maari naman ninyong mabisita sa nasabing event ang booth ng DZXL 558 Radyo Trabaho na siyang official radio partner ng Valenzuela PESO.

Ang local at overseas job fair na ito ay bahagi ng selebrasyon sa kaarawan ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian.



Facebook Comments