Pinarereview ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Kamara ang anumang permit na ibinigay sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ito ay bunsod na rin ng pagiging stockholder ng China sa NGCP kung saan pinangangambahan itong maging security threat sa bansa.
Hinihikayat ng Bayan Muna ang Kamara na madaliin ang pagrereview sa anumang permit, franchise o license na iginawad sa NGCP upang masilip ang access at kontrol sa technical operations at sa Supervisory Control and Data Acquisition (SCADA) system ng China sa NGCP.
Kinukundena din ni Zarate ang misleading statements ng NGCP na walang dapat ikabahala sa pagkakaroon sa kanila ng share ng China.
Kasinungalingan aniya ang pahayag ng NGCP na mayroon lamang 3 sa sampung board members ang China gayong ang China ay may share na 40% dito.
Maliban sa 3 Chinese board members ay itinalaga din na NGCP Board Chairman si Zhu Guangchao na engineer naman ng China State Grid Corporation.