Manila, Philippines – Suspendido na ang lahat ng permit to carry firearms sa Metro Manila at Central Luzon sa loob ng dalawang linggo simula Nobyembre 1.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, ito’y upang matiyak na mapayapang maidaraos sa bansa ang 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Sinabi pa ni Dela Rosa, patuloy ang pangangalap ng intelligence information hinggil sa anumang banta.
Tatagal hanggang sa Nobyembre 15 ang suspensyon ng permit to carry firearms.
Facebook Comments