NCRPO, handa na para sa undas

Manila, Philippines – Handa na ang National Capital Region Police Office para sa paggunita ng undas.
Ayon kay NCRPO Chief, Dir. Oscar Albayalde, nasa 5,300 pulis ang kanilang ide-deploy sa iba’t ibang bahagi ng metro manila simula October 31 hanggang November 1.
Katuwang nila ang nasa 3,700 barangay tanod, 9100 security guards at 1,000 civilian volunteer para matiyak ang seguridad sa undas bilang bahagi ng security patrol.
Pangunahing tututukan ng NCRPO ang 82 sementeryo, 21 columbarium, 182 simbahan, 55 bus terminal, dalawang pantalan at apat na paliparan.
Ipo-poste rin ang security patrol sa mga residential area upang maiwasan ang pag-atake ng “salisi” o “akyat-bahay” gang.

Facebook Comments