Person Under Investigation sa CVMC, Umakyat sa 40 Katao!

Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa bilang na 40 Persons Under Investigation (PUI) ang kasalukuyang inoobserbahan at naka-isolate ngayon sa Cagayan Valley Medicial Center (CVMC) sa Tuguegarao City, Cagayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, director ng CVMC, mula sa dating bilang na 31 ay naging 40 PUI’s na ngayong araw subalit stable naman aniya ang kondisyon ng mga ito.

Dumami aniya ang bilang ng mga PUI dahil sa mga nagsiuwian na galing sa Metro Manila at ilan sa mga ito nagkaroon ng sintomas ng Coronavirus tulad ng lagnat, sore throat at ubo.


Paaala nito na huwag ipagsawalang bahala kung may maramdaman na sintomas ng COVID-19 lalo na kung may travel history sa Metro Manila o sa mga lugar na apektado ng COVID-19.

Sinabi nito na nakauwi na sa kani-kanilang tahanan ang mga naunang na-admit na PUI matapos magnegatibo sa COVID-19.

Kung makaramdam naman aniya ng sakit subalit walang history of travel sa mga lugar na may kaso ng COVID-19 ay maaaring mag home quarantine upang hindi rin makahawa sa iba.

Kung hindi pa aniya gumaling ay dadalhin na ito sa ospital upang obserbahan sa isolation room at makunan ng specimen.

Paalala nito sa publiko sumunod sa mga patakaran na ipinapatupad ng gobyerno gaya ng ‘social distancing’ upang malabanan at maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.

Samantala, nananatili pa rin NEGATIBO sa COVID-19 ang buong Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments