iFM Laoag – Ligtas na sa sakit ang isang pasyente na hininalaang naapektohan ng COVID-19 sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ang pasiente ay 35 taong gulang na lalake at residente ng nasabing lalawigan. Nanggaling umano ang pasyente sa Hongkong at pagdating nito dito na nakitaan ng mga sintomas ng nasabing sakit.
Agad namang nailagay sa quarantine ng Mariano Marcos Memorial Hospital sa Batac City ang nasabing pasiente habang inoobserbahan ito.
Ganun paman, laking tuwa ng karamihan dahil lumabas na ang resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at nagnegatibo ito.
Nagpapaalala parin ang Department of Health (DOH), na palaging maglinis sa katawan sa pamamagitan ng pagligo, paghugas ng kamay at panatilihing malinis din ang kapaligiran.
– Bernard Ver, RMN News