Cauayan City, Isabela – Lumagda na sa isang resolusyon bilang pagsunod sa Executive #70 o ang “Whole Nation Approach” ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Sangguniang Bayan Members ng San Mateo, Isabela na naglalayong masawata ang mga teroristang grupo na maghasik pa ng kaguluhan.
Una nang pinag-usapan ng bagong pinuno ng 95th Infantry ‘Salaknib’ Battalion na si LTC Lemuel Baduya at ang alkalde ng bayan na si Atty. Gregorio Pua (Ret Col) na magpasa ng Persona Non Grata resolution upang mapigilan ang posibleng pagpasok ng mga rebelde sa lugar para makapanghikayat.
Naging usapan sa ginawang pagpupulong ang kaugnay sa di makataong gawain ng mga teroristang grupo, atrosidad, panlilinlang na nagdudulot ng pahirap sa mamamayan Kahuluhan at kapahamakan sa mga target na sector ng magsasaka, katutubo at Kabataan.
Naging saksi naman sa paglagda sa nasabing resolusyon ang ilang mga ahensya gaya ng PNP, BFP, SB Members, LnB, at ang TF-ELCAC na binuo din ng nasabing bayan.
Malaki naman ang pasasalamat ni LTC Baduya kay Mayor Pua ganuon na rin sa bumubuo ng TF-ELCAC kung saan ay patunay lamang aniya ito na nagkakaisa at nagbubuklod ang bawat departamento upang tuluyan nang mawakasan ang karahasan ng mga rebeldeng grupo sa naturang Bayan at sa buong Pilipinas.