Personal email ni French Presidential Candidate Emmanuel Macron – na-hack

France – Ilang oras bago sumapit ang araw ng botohan, kumalat sa isang social networking site ang ilan sa mga internal e-mails at ilang campaign documents ni French Presidential Candidate Emmanuel Macron.

Ayon sa En Marche, ang partidong kinabibilang ni Macron – tinatayang 14.5% gigabytes ng emails, personal at business documents nito ang lumabas at naipost sa isang text-sharing site na paste bin ng isang user na kinilalang emleaks.

Dagdag rin ng grupo, mai-uugnay ang nasabing hacking incident na naganap sa Amerika bago ang araw ng election dito.


Sa kasalukuyan, naghahanda na si Macron sa magaganap na France election laban sa National Front Party bearer na si Marine Le Pen sa darating na Linggo, May 7, 2017.

DZXL558

Facebook Comments