Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tumaas ng 3% ang personal remittances mula sa Overseas Filipinos (OFs) nitong March 2023.
Ito ay katumbas ng US$2.97 billion sa March 2023 mula sa US$2.89 billion noong March 2022.
Partikular na tumaas ang remittances mula sa land-based workers at sea at land-based workers.
Naitala ang mataas na remittances mula sa Overseas Filipinos sa United States (US), Singapore, Saudi Arabia, at United Arab Emirates (UAE).
Malaking halaga ng cash remittances ay idinaan sa mga bangko.
Facebook Comments