Pinadadagdagan ng Mababang Kapulungan ang buwanang benepisyong natatanggap ng lahat ng government employees sa bansa.
Sa ilalim ng Personnel Economic Relief Allowance (PERA) na ibinibigay sa lahat ng mga government employees ay nakakatanggap ang mga ito ng P2,000 na allowance.
Sa oras na maging batas ang House Bill 2027 na inihain ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ay itataas sa P5,000 ang matatanggap na PERA ng mga government employees.
Paliwanag ni Herrera-Dy, sa kabila ng Salary Standardization Law ay hindi pa rin sapat ang natatanggap ng mga empleyado ng pamahalaan lalo na ang mga nasa entry-level.
Bukod dito, isinusulong din ng panukala na itaas sa P16, 000 ang sweldo ng isang regular entry-level position sa pamahalaan, P25, 000 naman para sa entry level salary ng mga public school teachers at P27, 000 naman para sa entry level na sahod ng mga teaching personnel sa state at local universities.