Nagpapasalamat ang Persons with Disabilities (PWD) sa Maguindanao dahil sa tulong na ipinaabot sa kanila ng Provincial Government kasabay ng patuloy na pamimerwisyo ng Covid 19.
Bukod sa ayuda na natanggap na ipinagkaloob sa kanila ng PGO sa pamamagitan ng tanggapan ni Vice Governor Datu Lester Sinsuat base sa direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu , lubos na pinasalamatan ng mga ito ang pagpapahalaga ng gobyerno sa kanilang sector sa panahon ng krisis ayon pa sa naging panayam ng DXMY kay Ramil Mama, Provincial Chairman ng PWD sa Maguindanao.
Kinabibilangan ng bigas, gatas, kape, biskwit, delata, noodles, at loaf bread ang ipinaabot na tulong ng PGO para sa 600 na mga PWD sa bayan ng Parang ayon pa kay Mama.
Kaugnay nito humihingi naman ng pag-unawa si Mama sakaling ilan sa mga PWDs ay hindi napasama sa listahan ng mga naunang nabigyan ng ng ayuda, kinakailangan rin aniyang sumunod sa proseso at sistema para maisigurong mapabilang sa opisyal na bilang na mga magiging beneficiaries.
Pinasalamatan rin ni Mama na karamihan sa mg PWD sa Maguindanao ay nakatanggap rin ng Social Amelioration Program ng pamahalaan.
Nauna na namang inihayag ni GMSM na kanilang ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para mabigyan ng tulong ang lahat ng sektor ngayong nahaharap sa krisis ang lahat.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Persons with Disabilities (PWD) sa Maguindanao binigyan ng tulong!
Facebook Comments