Umaasa ang Public Employment Service Office (PESO) ng Manila LGU na mas marami pa nilang residente ang maha-hired on the spot sa isinasagawa nilang mega job fair katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.
Sa pahayag ni PESO Manager Fernan Bermejo, nasa higit 12,000 bakanteng trabaho ang maaaring aplayan ng mga nais magkatrabaho sa nasabing mega job fair.
Aniya, magtatagal ng hanggang alas-4:00 ng hapon ang mega job fair kaya’t hinihikayat niya ang mga residente at hindi residente ng lungsod na makibahagi na at samantalahin na ang pagkakataon.
Nasa higit 20 naman ang hired on the spot at ilan sa kanila ay magsisimula nang pumasok bilang electrician, housekeeping, crew at iba pa.
Nasa halos 20 na rin na nag-register sa booth ng DZXL Radyo Trabaho ang nakatanggap ng freebies tulad ng ballpen, pamaypay at coin purse habang lima sa mga hired on the spot ay nabigyan ng wall clock mula ng DZXL Radyo Trabaho.