Petisyon kaugnay sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC, dapat aksyunan na ng Supreme Court

Umaasa si Senate Minority Leader Frankin Drilon na aaksyunan na sa lalong madaling panahon ng Supreme Court ang petisyon kontra sa ginawang pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.

 

Ayon kay Drilon, kabilang sa argumento na nakahain sa kataas taasang hukuman ang Senate resolution na nilagdaan ng 18 mga senador.

 

Nakasaad sa resolusyon na hindi maaring solong magpasya ang ehekutibo ng pagkalas sa isang tratado ng walang pagpapatibay ng senado.


 

Bukod dito ay umaasa din si Drilon na sa pagbabalik ng session sa mayo ay maitatakda na ang debate sa plenaryo kaugnay sa nabanggit na resolusyon para maaprubahan na ito ng buong senado.

 

kumbinsido din si Drilon na nananatili ang hurisdiksyon ng ICC sa mga kasong inihain dito laban sa kasalukuyang administrasyon bago pa tayo tuluyang kumalas.

Facebook Comments